Ang Department of Agriculture and Fisheries ng Autonomous Region In Muslim Mindanao ay nagsagawa ng 2018 Mid-Year Assessment and Management Conference na ginanap sa Park In Hotel Sa Davao City Noong Hunyo 27-29 taong kasalukuyan.
Ito ay pinangunahan ng aktibong si Daf-Armm Regional Secretary Alexander G. Alonto Jr. Assistant Regional Secretary Eugene B. Strong, at mga key officials mula sa limang probinsiya ng Armm upang repasuhin ang mga nagawa ng DAF sa loob ng Anim na Buwan sa Taong ito, Gayon din ang pagbigay ng Direksyon sa target na gagawin sa nalalabing anim na buwan sa 2018.
Ayon kay PMED Chief Mariam Abutazil nagbigay ng mga mahahalagang ulat ang mga Provincial Agricultural Officers kasama ang mga Planning Officers sa kanilang performance sa loob ng Anim na Buwan sa pamamagitan ng Video Production/Slide Presentation.
Ang bawat Banner Program kabilang ng Rice, Corn, Hvcdp, Organic at Livestock sa pangunguna na mga Regional Focal Persons nito ay binigyan din ng pagkakataon na maglahad na kanilang reports hinggil sa mga accomplished nitong proyekto. Gayundin ang 2018 Catch-Up Activities, binigyang linaw din ang mga issues at concern na makakatulong sa magandang takbo ng implementation ng DA Intervention sa taong ito.
Ang Rafid sa pangunguna naman ni Chief Dr Kadiguia R. Abdullah, ay nagkaroon din ng video presentation mula sa mga piling success stories ng mga Banner Programs mula, Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Lanao Del Sur At Maguindanao.