Maluwalhating naidaos ang ARMM Poster making Contest na nilahukan ng ibat-ibang mag-aaral mula sa ibat-ibang mababang paaralan ng Maguindanao II. ito ay ginanap sa DAF-ARMM particular sa RAFID Audio Visual Room noong biyernes a bente kwatro nitong buwan, taong kasalukuyan.

Ang aktibidad na ito ay taunang isinasagawa ng Department of Agriculture and Fisheries kaakibat ang Department of Education bilang paghahanda sa pagdiriwang ng World Food Day na may temang “Our Actions are our Future. A#Zerohunger World by 2030 is possible”.

Ayon kay World Food Day Poster Making Focal Person Ms. Maricar B. Wahab, ang mga kalahok ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Nituan Elementary School, Tenorio Elementary School, Nuling Central Elementary School, Datu Pinguiaman Elementary School, Making Elementary School at Ibra Bulyok Memorial Central Elemetary School.

Ipinakilala naman ni Regional Agriculture and Fisheries Information Division Chief Dr. Kadiguia R. Abdullah, ang mga nagwagi sa kopetisyon, ito ay sina Asil S. Andan kasama ang coach nito na si Mr. Donald Falconiten na siyang itinanghal bilang kampyon, Ryza Careel D. Gomez kasama ang coach nito na si Rogilyn F. Laborte bilang 2nd place, Alikan C. Datumanong kasama ang coach nito na si Mrs. Alibai B. Duga bilang 3rd place, Harris T. Talib kasama ang coach nito na si Baiba B. Pinguiaman bilang 4th place, Jushley G. Edris kasama ang coach nito na si Mrs. Annabel A. Pajoyo bilang 5th place at Jamalia R. Nasrudin kasama ang coach nito na si Ms. Haira L. Manabilang bilang 6th place.

Ang bawat isa sa kanila ay tumanggap ng Certificate of Participation, cash prizes at kit bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon.

Tampok bilang hurado sina Atty. Nerissa Dalig ang legal officer ng DAF-ARMM, HVCDP Regional Coordinator Dr. Jalika D. Mangacop at Nashrul Maulana mula sa Mindanao Cross.
Sa huling pananalita ni hurado Dr. Mangacop ay nagpahayag ito ng kanyang pasasalamat, anya Masaya ito sapagkat sa murang edad ng mga kalahok ay nakalikha sila ng mga magagandang output na kanilang maipagmamalaki sa lahat.

Samantala, ang kahalintulad na aktibidad ay gaganapin din sa Tawi-Tawi province ngayong Agosto 29, 2018. Magkakaroon naman ng Final Regional Judging na gaganapin sa DAF-ARMM sa darating na September taong kasalukuyan. Habanag ang tatanghaling kampyon ay siyang ilalaban sa Final National Judging na gaganapin sa DA Central Office sa darating na October 3, 2018.