Hindi alintana ang malakas at pabugso bugsong ulan, maputik na daan sanhi ng bagyong domeng sa mga opisyales ng Department of Agriculture and Fisheries ARMM sa pangunguna ni Assistant Regional Secretary Eugene B. Strong upang personal na makit ang ready to harvest ng may 200 ektarya ng upland rice production at palayaman plus na matatagpuan sa Barangay Cabayuan, Buldon, Maguindanao noong ika -anim ng Hunyo nitong taon.

Ayon kay DAF-ARMM JICA focal person Dr. Jalika D. Mangacop ang upland rice production ay magkatuwang na proyektong itinataguyod ng japan international cooperative agency (jica) kaakibat ang daf-armm na naglalayong matulungang maging produktibo at umangat ang socio -economic status ng may 200 magsasaka na underserved.

Dagdag pa nito, ang mga magsasaka sa naturang lugar ay kabilang sa 362 farmers na nagtapos ng ffs mula sa anim na bayan ng armm ito ay ang buldon, matanog, barira, marugong, kapatagan at malabang. Ito ay ginanap sa darapanan, simuay sultan kudarat, maguindanao noong marso a otso taong 2017 na dinaluhan ni da national secretary emmanuel “manny” piñol, maguindanao governor esmael toto mangudadatu, jica officials sa pangunguna ni chief representative susumo ito at milf sa pangunguna ni chairman haji murad ebrahim at dr sailila ng philrice.

Sila ay nagsimula lamang sa 100 ektarya at sa ngayon ay umabot na sa mahigit 200 ektarya halos kalahati ang itinaas mula sa orihinal na dami nito.

Sinabi ni Monir Abdullah Pantawan, 57 taong gulang isang magsasaka, ang gamit nilang variety ng palay ay rc 288 , itinanim nila noong febrero at ngayon ay maari ng anihin ngunit inabutan ng masamang panahon. Isa pang nakikitang suliranin ay ang kakulangan sa makinarya.

Sa pagbisita ni ASEC Strong agad niyang tinugunan ang pangangailangan ng naturang mga magsasaka dahil nag turn over siya ng isang unit ng rice tresher at isang unit ng rice harvester na tinawag na reaper. Ito ay isinalin sa katungkulan ng buldon bangsamor0 marketing cooperative sa pangunguna ni chairman Saidona l. Abdullah. Ito ay pinondohan sa ilalim ng 2016 rice program ayon kay Ms. Edna T. Bajao bilang suporta sa mithiing kasapatan ng bigas sa pinas.

Naging mabunga ang pagbisita ni ASEC Strong dahil nakita niya mismo ang aktual na pangangailangan ng mga magsasaka sa naturang lugar gaya ng kakulangan sa makinarya , rice mill at solar dryer. Upang mabawasan ang pagkasira ng inaning mais at palay ipinangako ng opisyal na bibilhin ng daf ang kanilang aning palay para makatulong sa kanila at gagawing source ng seeds at ipamamahagi din sa mga magsasaka sa rehiyon.

Lubos naman ang pasasalamat ni Buldon municipal mayor aisolais aratuc manalao sa tulong na dumating sa kanila mula sa gobyerno.

Saksi din sa naturang okasyon sina p4mp president Yamashita Mangacop, gulayan focal person Albaya S. Sagad at mga ats sa naturang lugar at mga local officials.