Pinangunahan ni DAF-ARMM Regional Assistant Secretary Eugene B. Strong, Dir. for Admin and Finance Sittie Anida Tomawis-Limbona at Municipal Mayor Bai Anida A. Dimaukom ang Hybrid Rice Harvest Festival na ginanap sa Brgy. Lower Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao, kaninang umaga, Ika-9 ng Oktubre, taong kasalukuyan.
Kasama din ng mga naturang officials sina Regional Chief of Operation Dr. Tong Pinguiaman, Rice Alternate Focal Person Ms. Edna Bajao, Corn Coordinator Dr. Albert Usman, PMED Chief Mariam B. Abutazil, RAFID Chief Dr. Kadiguia R. Abdullah at PAO ng Basilan na si Gani Yahiya at marami pang iba.
Dumalo din ang mga Municipal Agricultural Officer mula sa Tatlumput-anim na bayan ng Maguindanao kasama ang kanilang mga Farmer Leaders.
Sa briefing na isinagawa ni MAO Nanding Sayutin, mayroon tatlong variety ang ginamit sa naturang Hybrid Rice Techno Demo na may lawak na 20 hectares na itinanim noong July 13, ito ay ang ARIZE TEJ, BIORICE ZARAP at DOSEPCO MISTISO, na ayon kay Ms. Edna Bajao ang naturang Techno Demo ay sinuportahan ng Binhi at Abono at Technical Assistance mula sa DAF, Private Companies at LGUs.
Ito ay inaasahang makakatulong sa pagkakaroon ng sapat na pagkain o ang Food security and food sufficiency na isinusulong ni secretary Manny Piñol at ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala isinagwa ang simpleng programa at Techno Forum sa Municipal Gymnasium ng naturang bayan.
Sa opening remarks ni Maguindanao Chief of Operation Dr. Ronjamin Maulana ay sinabi nito ang layunin ng naturang aktibidad. Anya, ginagawa nila ang monitoring upang maipakita sa lahat ng magsasaka na kapag sinunod ang tamang paggamit ng makabagong tekhnolohiya ay makakamit ang masagang ani.
Sa mensahe naman ni Provincial Agricultural officer Dr. Daud K. Lagasi Al-haj, ay pinuri nito ang lahat ng magsasaka at mga opisyales ng kagawaran, anya dahil sa pagtutulungan ng bawat isa ay naidaos at nakamit ang tagumpay ng nasabing Harvest Festival.
Sumang-ayon din dito si PAO Abdulnasser K. Badawi na nagpasalamat sa ibinigay na tiwala sa kanya ni PAO Lagasi.
Buong galak namang sinabi ni Dir. Limbona sa kanyang mensahe na proud siya sa kanyang nakikita “ Nandito kami para makita kung ano ang magandang naidulot ng tulong na bigay ng kagawaran’ batid kopo na masaya tayo dahil sa unti-unting pagtaas ng ating produksyon” dagdag ni Dir. Limbona.
Sa closing statement naman ni Asec. Strong ay ipinahayag nito na sana ay tuloy-tuloy na ang pag-usbong ng rice production upang ma-achieve ang rice sufficiency sa rehiyon ng ARMM at maging sa buong bansa.