Dinagsa ng may halos dalawandaang (181) magsasaka kabilang ang DAF-ARMM officials at LGUs ang isinagawang HYBRID Rice Harvest Festival sa Brgy. Manongkaling bayan ng Mamasapano, Maguindanao noong Ika-6 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Sinabi ni CPAR coordinator at ARMMIARC manager Tong Abas, ang nasabing aktibidad ay bahagi ng proyektong Community Based Participatory Action Research o CPAR na itinataguyod ng Bureau of Agricultural Research o BAR at Department of Agriculture & Fisheries-ARMM at LGU ng Mamasapano.

Ito ay isa sa tatlong proyekto ng CPAR na ipinapatupad sa probinsya ng Maguindanao na may budget allocation na P 7 million na ipinapatupad sa loob ng dalawang taon na kinabibilangan ng Datu Odin Sinsuat , Datu Paglas at ang Mamasapano.
Ayon kay Maguindanao Chief of Operation Dr. Ronjamin M. Maulana, ang proyekto ay malaking tulong upang maibsan ang kakulangan ng bigas sa bansa at magkaroon ng sapat na supply ng bigas sa probinsya ng Maguindanao , at maging sa buong rehiyon ng ARMM.
Hinikayat din nito ang mga magsasaka na magtulungan at higit pang ma engganyo sa pagsasaka upang mapanatili ang kasapatan sa bigas at mawala ang bansa sa listahan ng “poorest of the poor country”
Ang kagawaran umano ay patuloy na nagsasagawa ng monitoring sa mga magsasaka upang malaman kung ang mga farm inputs na naipamahagi ay nakakatulong sa magsasaka.

Binubuo ng halos apat (3.7) na ektarya ang naturang inaning palay na kabilang sa 600 ektaryang allocation area mula sa ibat-ibang bayan ng Maguindanao. Ito ay itinanim noong buwan ng Mayo, matapos ipamahagi ng kagawaran ang binhi noong Mayo 9, taong 2018.
Ipinagmalaki naman ni Mamasapano Municipal Agricultural Officer Dr. Modrika Masukat, na malaki ang itinaas ng cropping ngayong taon, anya ang variety ng palay na RC-200 ay syang nangungunang hybrid rice seed variety na suitable sa probinsya ng Maguindanao.
Sa isinagawang sampling , Tinatayang nasa 9.7 metric tons per hectare o nasa 194 sacks ang makukuha sa bawat ektarya ng naturang palayan. Mas mataas ito kung ikukumpara sa Inbreed na nasa 6.6 metric tons lamang, dagdag ni MAO Modrika..
Inaasahan na sa ipinakitang malaking ani dahil sa paggamit ng makabagong tehnolohiya sa pagsasaka ay ma inspired din ang mga magsasaka sa karatig bayan na mag adopt ng hybrid rice production sa susunod na cropping season.
Samantala, bilang pagbabalik tanaw ang bayan ng DOS ay nakapagsagawa na rin ng kahalintulad na aktibidad mula sa kanilang Integrated Farming System Corn-Based. Habang ang bayan ng Datu Paglas ay nakatakda rin magsagawa ng kahalintulad na aktibidad mula sa kanilang Rice-Based Integrated farming System.
Ang tatlong bayang nabanggit under sa CPAR program ay parehong tumanggap ng mga pataba, abono, herbicide at insecticides at iba bilang suporta sa kanilang pagsasaka.