Pinangunahan ni Department of Agriculture and Fisheries Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional Secretary Alexander G. Alonto Jr. at ASEC Eugene B. Strong ang pagdiriwang ng Ika-27th anniversary ng DAF-ARMM na ginanap sa DAF covered court noong Ika-17 ng Mayo taong kasalukuyan.

Ito ay taunang ipinagdiriwang ng mga kawani ng DAF kasama ang mga ilang stakeholders dahil ito ay kalinsabay sa Farmers/Fisherfolks Month Celebration at sa ngayon taon ay tumapat din sa long month Ramadhan activities.
Sa pambungad na pananalita ni Adm Chief Iskak L. Paguital binigyan diin niya ang narating ng DAF sa loob ng maraming taon at ito ay inugnay niya sa magandang pamamahala ng naging regional secretaries na kinabibilangan nila Datu Harris Mastura, Datu Haron Bandila, Dr. Thambeyapha Manjoorsa, Nasar Salmani, Datu Sajid Druz Ali, Keise T. usman, Atty Balindong, Sangkula Tendick, Marites Maguindra, Atty. Makmod T. Mending, Jr, Atty Laisa Masuhod Alamia at Alexander G. Alonto, Jr.

Sa mensahe Sec Alonto siya ay naging emosyonal at nagpasalamat sa lahat ng kawani ng DA dahil sa suportang ibinigay sa kanya “Pagkakataon ko ng magpasalamat sa lahat ng staff sa suporta, dahil hindi ko mararating kung anung meron tayo/ng DAF sa ngayon kung wala kayo. Marahil ay ito na ang huling pagdiriwang na makakasama niyo ako,dagdag ni Sec Alonto.

Si Asec. Strong naman ay nagpasalamat sa lahat ng dumalo at sumoporta sa naturang programa “Bilang buwan ng Ramadhan ay month of asking forgiveness kaya naman sa pagkakataong ito ay humihingi po ako ng tawad sa lahat ng nasaktan ko.kung mayroon man.

Naging mahalagang bahagi ng selebrasyon ang pagbibigay ng pugay o plaque of recognition at sing-sing sa dalawang retirees ng DAF-ARMM na sina Dr. Siya Belongan na halos ibinuhos ng buong katapatan at pasiyon ang pagsisilbi sa DAF ng higit 37 taon bilang Farm Mgt Technician, Mun Agricultuiral Officer, Research Superintendent, Training Officers at Organic Agriculture Coordinator. Sa kanyang mensahe, ay bumuhos ang emosyon lalo na sa paghingi nito ng tawad sa lahat ng nakasama niya sa trabaho, nagpasalamat din ito sa lahat ng mga tao na naniwala sa kanyang kakayahan.

Si Hji Bedo Unggel naman ay halos 39 taon din ang kanyang serbisyo sa kagawaran bilang liverstock at quarantine Chief, sa mensahe nito ay sinabi nito ang lahat ng mga pagbabago sa loob ng mahabang panahon na pananatili nito sa Kagawaran. Nagpasalamat at humingi din ito ng tawad sa lahat.

nagbigay din ng farewale message sa dalawa ang mga sr. officials ng DAF gaya nina Chief Accountant Sittie Anida Tomawis, Budget Officer Leninding Magarang, DAEA president Dr. Jalika Mangacop at iba pa.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang dalawang retirees sa RAFID Staff sa pangunguna ni RAFID chief Dr. Kadiguia R. Abdullah sa lahat ng tulong at suporta upang lalong maging makabuluhan at kaaya-aya ang kanilang recognition day at huling oras sa DAF.

Bago nagtapos ang simpleng program, binigyang pugay ni Sec Alonto si RAFC chair Abdulrahman Macabangon at kanyang itinalaga bilang Farmer Director sa buong buwan ng Mayo na (pagdiriwang ng Farmers/Fisherfolks month na may temang ”Makabagong magsasaka, susi sa tunay na Pagbabago”.