Sa kauna-unahang pagkakataon isinagawa ng DAF-ARMM at DEPED sa probinsya ng Tawi-Tawi ang taunang pagsasagawa ng paligsahan sa pagguhit ng poster o poster making contest. ito ay ginanap sa DAF provincial office, Bongao, Tawi-Tawi noong Agosto 30, 2018.
Ito ay dinaluhan ng labing apat na grade 4 – 6 na mag-aaral mula sa Notre Dame of Bongao, Mindanao State University Child Devt. Center Laboratory Elem. School, Datu Halun Elem. School, Baa Elem. School at Bongao Central Elem. School lahat sa Bongao.
Ang tema ay “Our Future are our Actions. a #Zerohunger by 2030 is possbile” na siyang basehan sa pagguhit sa kaisipan ng mga kalahok na isasalin sa 20×30 illustration board gamit ang oil pastel color at iba pang kagamitan sa loob ng anim na oras (9am-3pm). Ito ay gagabayan ng kani kanilang mga coaches.
Bago pa man nagsimula ang paligsahan ay ipinaliwag ni RAFID chief Kadiguia Abdullah ang guidelines at rules ng contest at basehan o criteria ng judging. Gaya ng originality 20%, visual impact 20%, creativity 20% at relevant to the theme 40%.
Nang natapos sa kanilang obra ay inidisplay ang mga ito ayon sa pagkakasunod ng kanilang entry number at isa-isang kinilatis ng mga hurado na kinabibilangan nina Dr. Sahajim Hassan, Div. Supt. Surayni Tandi, DXGD station manager Babylyne Kanu Omar, Mun. Agri Officer Hja. Aida Jumli at Planning Officer Hja. Jainab Awali.
Ang mga nagwagi sa competition sa on-the-spot poster making contest ay:
Champion – Princess Yeezha Maulana ng MSU-CDC les kasama ang coach na si Ms. Fatima Zahra Sali, 2nd place – Chole Tutor ng Notre Dame of Bongao kasama ang coach na si Ms. Airen Abdullah, 3rdp lace – Al-Jimhar Edjiran ng Datu Halun Elem. School kasama ang coach na si Rohelyn Anami, at 4th place – Nic Leandray Sasa ng Mindanao State University CDC les.
Si PAO Hassan at Supt. Tandi ang nagawad ng parangal sa mga nagwagi na tumanggap ng cash prize, certificate of award, kit at appreciation naman sa mga schools at coaches. ang mga non-winning contestant ay tumanggap din ng certificate of appreciation, kit at transportation expenses maging ng kani-kanilang coaches at schools.
Layunin ng paligsahan na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maparating ang kanilang mensahe sa munting pamamaraan sa pagguhit hinggil sa paglaban sa kahirapan at pagkakaroon ng kasapatan ng pagkain sa susunod pang dalawampung taon.
Ang naturang contest at itinaguyod ng DAF region at Tawi-Tawi Provincial Office sa pakikipagtulungan sa DEPED at sa pamamagitan ng RAFID at Tawi-Tawi Info group Bahaya Aras at Omar Mokhtar Mahadali.
Sa susunod na linggo ay paglalabanin pa ang champion ng Tawi-Tawi at Maguindanao. Ang tatanghaling best poster sa ARMM ay isusumite sa National Contest at huhusgahan sa October 3 sa DA-Central Office at ang mapipiling limang best poster ang pararangalan sa october 16 sa araw mismo ng World Food Day Celebration.